Home METRO Traslacion 2024 mapayapa – NCRPO

Traslacion 2024 mapayapa – NCRPO

MANILA, Philippines- Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Martes na “generally peaceful” at “better coordinated” ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na paggunita nito.

Ani Police Maj. Gen Jose Melencio Nartatez, Jr., NCRPO chief, ito ay dahil sa mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng security forces at stakeholders.

“We laid down a plan to implement, and we gave the church basically kung ano ang gusto nila. Thankfully, we were well prepared and hopefully magtuloy hanggang matapos,” wika ni Nartatez.

Tinataya ng Philippine National Police (PNP) na hanggang alas-5 ng hapon nitong Martes, halos 3.5 milyong deboto ang nakibahagi sa Traslacion mula alas-4 ng umaga.

Mahigit 300 injuries ang naiulat, karamihan ay dahil sa paglalakad ng yapak sa kalsada.

“Next year, we will plan it to be much smoother, see things we can improve on,” ani Nartatez.

Binanggit din niya na mas mabilis ang prusisyon, na iniugnay ito sa koordinasyon sa pagitan ng stakeholders tulad ng LGU ng Manila, mga deboto, at ng simbahan. RNT/SA

Previous articleIndonesian President Widodo nasa Pinas na para sa 3-day official visit
Next articleHigit 700 deboto inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion