Home NATIONWIDE Traslacion 2024 sa Davao, kasado na!

Traslacion 2024 sa Davao, kasado na!

MANILA, Philippines – Handa na ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa para sa “Traslacion” na gaganapin sa Davao City sa Enero 9.

Ang “Traslacion” ay ang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno.

“We encourage all Dabawenyos, all devotees throughout Mindanao and other places to join with us in celebrating the Feast of the Poong Nazareno” sinabi ng Davao Nazareno group.

“All devotees are encouraged to bring their own personal Nazareno image during the procession and Fiesta Mass in order to be blessed by the priests,” dagdag pa nito.

Naglabas na rin ang grupo ng mga detalye kaugnay sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Magsisimula ang “pabihis” ngayong araw, Disyembre 31, kung saan papalitan ang damit ng imahe bandang alas-3 ng hapon sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel.

Susundan ito ng novena mass bandang alas-6 ng gabi sa kaparehong chapel.

Samantala, mula Enero 6 hanggang 9, gaganapin naman ang mga misa sa San Alfonso Maria de Liguori Parish.

Sa araw ng kapistahan o Enero 9, magsisimula ang Traslacion alas-8 ng umaga mula sa parish pabalik sa sanctuary nito sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel.

Susundan ng Fiesta Mass ng alas-10 ng umaga at alas-6 ng gabi ang prusisyon.

Matatandaan na noong 2015 ay binigyan ng Quiapo Church ang Archdiocese of Davao ng replica image ng Itim na Nazareno upang palawakin pa ang debosyon sa Itim na Nazareno sa iba’t ibang bahagi ng bansa. RNT/JGC

Previous articleMga pasahero dumagsa sa mga pantalan bago mag-Bagong Taon
Next articleIllegal fireworks na nakumpiska sa QC, Laguna dinispatsa ng PNP