Home OPINION TRAUMA INFORMED APPROACH SA KOMUNIDAD, KAILANGAN   

TRAUMA INFORMED APPROACH SA KOMUNIDAD, KAILANGAN   

MAY “pinagdaraanan” ang lahat ng tao sa buhay at ang ilan ay dumaranas nang tinatawag na trauma. Ayon sa mga eksperto, masasabing ikaw ay na-traumatized o nagkaroon ng masamang epekto sa iyong kaisipan, damdamin at pisikal na katawan dahil sa isang pangyayari sapul sa pagkabata na hindi malimut-limutan.

Sinimulan ng Center for Disease Control and Prevention at Kaiser Permanente ang pag-aaral tungkol sa Adverse Childhood Experiences o ACEs noong 1990’s na nagtala ng numerong nangangailangan ng angkop na solusyon para maiwasan o kaya naman ay mabigyan ng tamang atensiyon ang nakararanas nito.

Ganito ang nangyari dear readers sa sikat na artista na si Brandy Ayala o Remedios Estrada sa tunay na buhay. Matapos ang kaniyang pag-aartista, napabayaan ng 58-anyos na si Brandy ang sarili at naging palaboy sa Tondo, Manila.

Isiniwalat ito ng UDRiVe Group of Coaches sa ginanap na press conference sa Pasay City kamakailan kung saan isa tayo sa naimbitahan. Ang grupo ay nagsagawa ng ma-trabaho, kalmado at ma-prosesong pag-rescue sa dating aktres. Kailangan din kasi nang pagpayag at kooperasyon ni Brandy at pamilya para sa pagpapadala sa kaniya sa isang recovery center sa Cebu City. Sa katunayan, una nating napanood sa conference bago opisyal na ina-upload nito lamang nakaraang Martes ang documentary video na ginawa ng grupo na pinamagatang “Brandy Ayala: Ang Lihim na Katotohanan” na inyong mapapanood sa YouTube channel account <JAVIMANUEL2.0>.

Pagkatapos  mapanood ang dokumentaryo, doon ko mas naintindihan ang kahalagahan ng tamang pangangalaga at pagtrato na ginagampanan ng UDRiVe sa mga nakararanas ng trauma tulad ni Brandy.

Kailangan pala na maging maingat tayo sa pakikisama at pagtrato sa kahit kaninong tao, palaboy man o hindi at mga taong laging tahimik, may kakaibang pananalita at ikinikilos. Kasi hindi natin alam kung bakit sila nagkaganon at ang mga lihim sa kanilang pinagdaanan. Totoo ang kasabihang “you cannot judge the book by its cover.”

Kaya para sa grupo ng UDRiVe Group of Coaches na may adbokasyang “Trauma Informed Philippines 2030” na sina Arra Diño, Sheena Valencia, Poy De Lara, Rowi Rizala kasama rin sina Stephanie Letrondo, Javi Manuel, Monica Tawide, Rons Rima at officers and staff, MABUHAY!

Previous articleLAHAT NG KABUTIHAN SA MUNDO
Next articleNA-STROKE, UMAAWIT MULI SA ACUPUNCTURE