Travel pass ng mga empleyadong magbabalik-trabaho, di kailangan – DILG

Travel pass ng mga empleyadong magbabalik-trabaho, di kailangan – DILG

May 23, 2020 @ 6:52 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Hindi na kakailanganin pa ng mga empleyado na babalik sa kanilang mga trabaho na kumuha ng ‘travel authority’ o anumang mga pass sa kanilang barangay o Local Government Unit (LGU) sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang paglilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya matapos na dagsain ang ilang mga barangay na kumukuha ng nasabing pass.

Ayon sa opisyal kakailanganin lamang ng mga tabahador na maipakita ang kanilang company ID o certificate of employment ng mga business establishment na pinapayagan na ng pamahalaan na mag-operate.

Sinabi pa ni Malaya na ang travel authority ay para lamang sa mga ‘stranded individuals’ na nais nang umuwi sa kanilang mga tahanan.

“Lilinawin ko lang po na para po sa mga nagtatrabaho sa mga industriyang pinapagayan ng ating batas o pinapayagan ng IATF (Inter-Agency Task Force), ang kailangan niyo lang pong ipakita ay inyong company ID or certificate of employment. ‘Yun lang po, hindi po kayo kailangang humingi ng travel authority,” paliwanag ni Malaya.

“Ang travel authority ay para po ‘yan sa mga stranded individuals. Kung kayo po ay nagtatrabaho sa isang establisyimento na pinapayagan ng IATF na mag-operate, ang kailangan niyo lang po ay inyong company ID,” ayon pa kay Malaya.

Napagalaman na na ilang residente ang pumila ng mahaba sa Rodriguez, Rizal, para humingi ng travel authority mula sa local government unit (LGU).

Nakikipag-ugnayan na ang DILG sa Rodriguez Rizal na tigilan na nila ang ganoong klaseng sistema o paghingi sa kanila ng travel authority ng mga empelyado. Jan SIno Cruz

Share

Leave a Reply

Loading...