PUERTO PRINCESA CITY — Lima ang patay habang limang iba pa ang sugatan sa sa salpukan ng motorsiklo at traysikel na puno ng pasahero sa national highway ng bayan ng Brooke’s Point, lalawigan ng Palawan noong Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.
Naganap ang aksidente sa Barangay Malis, dakong alas-7:50 ng gabi, na kinasangkutan ng isang Yamaha motorcycle na minamaneho ni Gabriel Suay, 19, kasama ang back rider na si Jenny Boy Marcos, 20, at isang top-down na tricycle, ayon sa ulat na inilabas kahapon.
Sakay naman sa tricycle ang driver na si Nelio Ame, 23, at mga pasaherong sina Louie Jay Abis, 22; Zera Adonis, 18; Venny Dubria, 28; Rey Jeven Longgageng, 19; Dorothy Joy Vidal; at dalawa pang menor-de-edad na 16 at 17-anyos, pawang residente ng Brooke’s Point.
Advertisement