Home METRO Trese-anyos ginahasa saka pinatay ng caretaker

Trese-anyos ginahasa saka pinatay ng caretaker

IVISAN, Capiz- NAKABAON pa sa tiyan ng dalagita ang kutsilyo gahasain saka ataduhin ng saksak ng kapitbahay na caretaker nitong Huwebes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang Angel de Jose, 13-anyos at residente ng Barangay Poblacion Sur, Ivisan Capiz.

Naka-hospital arrest naman ang suspek na kinilalang si Louie Lipalim, nasa hustong gulang, tubong Lambunao Iloilo City, at nakatira sa naturang lugar.

Batay sa report ng Ivisan Municipal Police Station, bago ang krimen nakita ng ilang residente hinablot ng suspek ang biktima papasok sa bahay nito at ilang minuto ang makalipas nakarinig na lamang sila ng sigaw na tulong sa loob ng bahay pero kalaunan ay tumigil din.

Hanggan sa nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng lugar at nakita ang suspek na naghuhukay para sana ilibing.

Kinabukasa, bandang 6:00 AM sumuko sa pulisya na nahihilo at sumuka matapos uminom ng lason kaya agad itong dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Naniniwala naman ang kaanak na posibleng ginahasa ng suspek ang biktima dahil sa mga baka ng sugat nito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang krimen at hindi nagsisisi sa kanyang ginawa.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Lipalim./Mary Anne Sapico

Previous article20 bagong gamot vs kanser, diabetes exempted na sa VAT- Angara
Next articleTattoo artist, 2 pa isinelda sa baril at marijuana sa Caloocan