Home METRO Tricycle driver pinagbabaril sa pakwanan, todas

Tricycle driver pinagbabaril sa pakwanan, todas

Bulacan – Patay ang isang 53-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktimang si Ramos Arnulfo, residente ng Towerville, Brgy. Graceville.

Sa report ng pulisya, nangyari ang pamamaril bandang alas-5:00 ng umaga nitong Pebrero 26 sa Pakwanan, Towerville, Brgy. Graceville.

Ayon sa report, isang bystander ang nakarinig ng mga putok ng baril kaya tinungo niya ang lugar hanggang sa makita ang biktimang nakasubsob sa manibela ng tricycle na duguan at wala nang buhay.

Nang malaman ng pulisya ang nangyari ay agad silang nagsagawa ng imbestigasyon at tumawag ng SOCO para maiproseso ang crime scene. Dick Mirasol III

Previous articleBulacan ecozone bill, inendorso ni Poe sa plenaryo: P130B kikitain, 1M trabaho lilikhain
Next articlePanagbenga Feels at SM: Blooms and Cultural Spectacles Take Centerstage at SM City Baguio