Trike drayber sa QC, magdedeliber na rin ng pagkain

Trike drayber sa QC, magdedeliber na rin ng pagkain

May 22, 2020 @ 5:43 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sasali na ang mga tricycle driver na makapagdeliber ng mga pagkain matapos ang pakikipag-partner ng Quezon City Government (QCG) sa Food Panda na isang on-demand na food delivery application ngayong panahon ng pandemic.

Ang pakikipag-partner ng QCG sa Food Panda ay para matulungan ang daang-daang mga drayber ng tricycle na nawalan ng kabuhayan sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng panda-TODA project.

Kanina (Biyernes) lumagda sa isang kasunduan ang QCG at Food Panda para sa launciing ng Panda Toda-QC.

Sa ilalim ng programa, ang foodpanda ay magrerecuit at sasanayin  mga drayber ng tricycle sa nasabing lungsod  upang maging partners riders ang mga ito.
Bukod dito, bibigyan din sila ng mga uniporme at thermo bags, ng walang bayad at dapat na  maging aktibo sa  loob ng tatlong buwan upang makapagpatuloy bilang kapartner ng Food Panda sa pagdedeliber ng mga pagkain.

“We are fortunate for this partnership with foodpanda as this will help alleviate the situation of our tricycle drivers whose livelihoods were affected by the pandemic. They will have sustainable income because there is a growing demand for food delivery services from people at home,” ani QC Mayor Joy Belmonte.

Sa ilalim ng kasunduan, ang pamahalaan ng lungsod sa pamamagitan ng Task Force for Transport and Traffic Management, Tricycle Regulation Division (TRD), susuriin ang mga drayber ng tricycle na nakakatugon sa kaukulang requirements bilang maging Food Panda delivery riders na may kabuuang bilang ng mga riders na 500.

Tutulungan naman ng  pamahalaang lungsod sa pagkuha ng mga permit sa trabaho at iba pang mga kinakailanagan na mga passes upang payagan silang mapakilos sa Metro Manila.

“Food delivery is an essential service during this time, whether we are in a community quarantine or not. As the threat of the virus continues, people would want to keep staying at home as much as possible to minimize the risks to their health and lives. So we want to make sure that the tricycle drivers the City endorsed are well able and qualified to safely deliver foodpanda’s service to its customers.” ayon kay Mona Yap, OIC ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office na siyang nangasiwa sa partnership sa foodpanda.

Napag-alaman na ikatlo na ang QCG ang naging partner sa PandaToda na naglalayon na patuloy na magdadala ng mga oportunidad sa kabuhayan ng mga driver ng tricycle sa iba pang mga piling lungsod sa Metro Manila, at mga probinsya kung saan gumagana ang foodpanda.

“We are glad that many have seen the value of our project and approached us with a request to be our next pandaTODA partners. Our intent is to accommodate as many tricycle drivers as our project can,” ayon kay Daniel Marogy, foodpanda Philippines’ Managing Director.

“So even as the NCR came under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) last May 16 that allowed as much as 50% of tricycles to operate again in each city, our project will continue to expand and help some of the other 50% tricycle drivers who still can not earn a living.” dagdag pa ni Morgy
Upang suportahan ang mga lokal na negosyo at komunidad, ang foodpanda ay kasalukuyang nag-aalok ng libreng paghahatid sa buong buwan ng Mayo. Jan Sino Cruz

Share

Leave a Reply

Loading...