Home METRO Trike driver patay sa bangga ng traktora

Trike driver patay sa bangga ng traktora

MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos na salpukin ang minamaneho nito ng isang tractor head sa Sariaya, Quezon nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 27.

Ayon sa Quezon Police, ang biktima ay kinilalang si Elma De Guzman, 33-anyos, na minamaneho ang kanyang tricycle nang salpukin ng tractor head na nasa likuran niya.

Minamaneho naman ang tractor head ni Maxwel Ferrer, ng Barangay Bignay 1.

Nasawi on the spot si De Guzman dahil sa seryosong pinsala sa katawan.

Samantala, inilagay si Ferrer sa kustodiya ng pulisya. Kalaunan ay nagkasundo ang dalawang partido na babayaran na lamang ang danyos sa biktima. RNT/JGC

Previous articleDrayber na-trap ng 6 na araw sa naaksidenteng trak
Next articleMiles, di nabanggit ang pangalan sa MMFF, wagi!