Home NATIONWIDE Trillanes tatakbong alkalde sa Caloocan

Trillanes tatakbong alkalde sa Caloocan

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na naghahanda siyang hamunin ang dinastiyang Malapitan sa Caloocan City sa pamamagitan ng pagtakbo sa pagka-alkalde sa 2025.

Sinabi ni Trillanes na siya ay “98%” na sigurado sa pagtakbo bilang alkalde sa midterm polls, at ang isang pormal na anunsyo ay nakatakdang gawin sa Marso.

“Halos. Malapit na po. Itong Marso, tayo ay magpa-pasya, mag-a-anunsyo nung aking final decision, sasabihin kung 98% na nandoon na ang desisyon natin for mayor of Caloocan City,” aniy sa Kapihan sa QC media briefing.

Inaasahang makakaharap ng dating senador ang incumbent mayor na si Along Malapitan, na mahigit isang dekada nang namuno ang pamilya sa Caloocan. Ang ama ng alkalde, si Oscar, ay ang kanyang agarang hinalinhan at ang kasalukuyang kongresista ng unang distrito ng lungsod.

“May mga nagpasabi na po sa akin, nag-imbita na para tumakbo sa Senado sa 2025, pero nagsabi na po tayo. We politely declined the offer para makatuloy na sa pagiging mayor sa Caloocan,” aniya.

Sinabi ni Trillanes na nagpasya siyang maghanap ng lokal na puwesto sa halip na subukang bumalik sa Senado o tumakbo bilang unang nominado ng Magdalo party-list dahil naniniwala siyang mas makakatulong siya sa mga tao bilang alkalde kaysa sa isang mambabatas.

Giit pa niya na hindi siya tatandem sa kasalukuyang Caloocan government officials, dahil aniya “14 years na iyong binigay sa kanila para matutukan ‘yung Caloocan pero binabayaan nila lalo.”

Sakaling manalo siya, sinabi ni Trillanes na isa sa kanyang prayoridad ay labanan ang katiwalian. RNT

Previous articleHigit pisong sirit-presyo sa gas epektibo bukas, Enero 23
Next articleDwight, Blatch bida sa panalo ng SGA vs Homenetmen