Home ENTERTAINMENT Trina, may patutsada kay Carlo, sinabihang “makapal”?

Trina, may patutsada kay Carlo, sinabihang “makapal”?

Manila, Philippines – Agad kinunek ng mga netizens ang inilagay na caption ni Trina Candaza sa mga ibinebentang pabango kay Carlo Aquino.

On Facebook kasi, ipinost ni Trina ang shot ng listahan ng mga orders na pabango sa kanya.

The orders were written on paper sheets whose caption ay: “Ang kapal!”

Doon na ikinunek ng mga netizens ‘yon kay Carlo na siya raw namang pinatututsadahan ni Trina.

Kumbaga, ginamit lang daw nitong convenient excuse ang list of perfume orders.

May mga bumilib kay Trina for being so “witty.”

Pero getting to the bottom of the issue, nauunawaaan naman ng mas nakararaming netizens where Trina is coming from.

Lalo’t ang latest sa kanila ni Carlo’y inaapela ng aktor ang kanyang visitation rights sa three-year-old daughter nilang si Mithi.

According to people in the know, wala naman daw kaso kay Trina kung bisitahin man ni Carlo ang kanilang anak.

Ang hindi lang daw siya makakapayag ay ang isama pa ni Carlo si Charlie Aquino para personal na makilala ang bata.

Katwiran ni Trina, mako-confuse lang daw si Mithi as to who her real mother is, kung ganoon at kinakaray pa ni Carlo ang nobya.

This concern, however, should be addressed to Charlie.

On her own initiative ay siya na dapat ang umiwas if Carlo intends to have her meet Mithi in person.

Bagama’t wala namang masamang layunin si Charlie, it’s best for her to stay away.

Pag hindi na kasama ni Carlo ang bagets at naiuwi na sa piling ng ina, then that’s the time she and Carlo can enjoy themselves for all the world cares!

For all we know, baka nga ‘yung “Ang kapal!” caption ni Trina ay hindi lang para kay Carlo. Ronnie Carrasco III

Previous articlePamamahagi ng national ID pinabibilis vs SIM registration loopholes
Next articleMaharlika Investment Fund ipinatitigil sa SC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here