Home NATIONWIDE Tripartite sector nagpulong sa LEP 2023-2028

Tripartite sector nagpulong sa LEP 2023-2028

193
0

MANILA, Philippines – Nagpulong ang mga kinatawan mula sa tripartite sector para magtakda ng mga strategic plans at aksyon kasunod ng pag-apruba ng Pangulo sa tripartite-endorsed Labor and Employment Plan (LEP) 2023-2028.

Sa strategic planning workshop na inorganisa at pinangasiwaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap noong Setyembre 4 sa Manila, ang mga stakeholders mula sa gobyerno, employer, manggagawa, pribado, civic organization at mga sektor ng akademya ay nagbagi ng mga input upang mabuo ang mga strategic targets at outcomes ng pambansang plano.

Ito ay upang matiyak na ang mga itinakdang tagapagpahiwatig ay makakamit at may kaugnay sa parehong mga manggagawa at employer.

Layon ng LEP 2023-2028 na mapabuti ang produktibo at transformative capacity ng ekonomiya na may partikular at naka-target na mga interbensyon sap ag-unlad sa mga manggagawa, na nakatuon sa tatlong pangunahing lugar ng paggawa at trabaho: pagsulong ng trabaho at pag-unlad ng human resource (HRD); proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa at relasyon sa panggawa.

“The responsibility for [LEP 2023-2028] implementation, monitoring, and evaluation is not the DOLE’s and/or the government’s responsibility alone but is collectively shared with the private sector, with ALL. It is the whole of government and the whole of society’s participation, contribution, and responsibility,” sabi ni Labor Undersecretary Carmela I. Torres sa kanyang welcome remarks. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKelot sinuwag ng pick-up, dedbol
Next articleSchool-based mental health program, pasado sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here