Home NATIONWIDE TRO sa P240M license deal ‘di pa pinal – LTO

TRO sa P240M license deal ‘di pa pinal – LTO

MANILA, Philippines – NIRERESPETO ng Land Transportation Office (LTO) ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa paggawad ng kontrata para sa produksyon ng mga plastic card na ginagamit sa pag-imprenta ng physical driver’s license, ay hindi pa umano ito pinal.

Sa press conference, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, na hindi pa pinal ang injunction at may oral argument pa na itinakda sa August 22 kung saan ay ilalatag nila ang basehan kung bakit hindi dapat ipahinto ang pagpapa-iimprenta ng mga plastic drivers license card sa kinontratang Banner Plasticard, Inc.

“Certainly, this is a major setback on our goal of addressing the backlog on the physical driver’s license which we target to complete by September this year,” giit ni Mendoza.

“The backlog is around 1.7 million as of this month—and mounting everyday considering the number of applications we are receiving for new, and the renewal of driver’s license on a daily basis,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin niya na naging patas at transparent ang nangyaring bidding process.

Dagdag ng LTO chief, mahaba ang 20-day na injunction na magreresulta sa lalong pagkaantala ng pagpapalabas ng plastic drivers license.

Kaugnay nito ay naglatag naman ng iba’t ibang hakbang ang LTO para sa mga motorista na maaapektuhan ng pagkaantala ng pag-iimprenta ng driver’s license cards.

Isa sa mga opsyon ay itutuloy ang pag-iisue ng papel na plastic cards, at ikalawa naman ay ang pag-eengrave sa kasukuyang driver’s license ng extension ng validity nito.

“We hope that this issue would be addressed in the soonest possible time because it is the Filipino people who would certainly suffer from a prolonged legal battle,” saad ng opisyal.

Sa August 25 naman inaasahan na makakapag-deliver ang Banner Plastic Cards Inc. ng isang milyon na driver’s license plastic cards, at 5.2 milyon na plastic cards sa February 21, 2024. Jan Sinocruz

Previous articleTraders ng Hillsdale Summit sinasabotahe ng sindikato
Next articleClimate ties, people-to-people relations palalakasin ng PH, Germany