Home LAGAY NG PANAHON Tropical depression namataan sa labas ng PAR

Tropical depression namataan sa labas ng PAR

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw, Oktubre 8.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil pa rin sa southwest monsoon o habagat, at localized thunderstorm.

Samantala, sinabi rin ng ahensya na may minomonitor silang isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Hanggang nitong Sabado, ang bagyo ay huling namataan 3,045 kilometro silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong southwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras. RNT/JGC

Previous articleLotto Draw Result as of | October 7, 2023
Next articleWalang nasawing Pinoy sa gulo sa Israel – DFA