Home METRO Truck driver patay nang masalpok ng van

Truck driver patay nang masalpok ng van

MANILA, Philippines – Nasawi ang drayber ng truck na tumatawid sa kalsada matapos mabundol ng isang van sa national highway sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat, nakaladkad at tumilapon pa ang lalaki sa tindi ng pagkakabangga.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Sa impormasyon ng pulisya, bibili lang sana ng pagkain ang lalaki nang maganap ang aksidente.

Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktima na hindi na ito magsasampa ng kaso sa drayber ng van matapos na pumayag itong sagutin na lamang ang gastusin sa burol at pagpapalibing. RNT/JGC

Previous articlePilipinas susuporta sa “free and open” Indo-Pacific Region
Next articleUnang gold medals nasungkit ng China rowers sa Asian Games