Home METRO Truck sumalpok sa arko, 2 sugatan

Truck sumalpok sa arko, 2 sugatan

Bulacan – Sugatan ang driver at pahinante ng truck matapos aksidenteng sumalpok sa haligi ng arko sa boundary ng bayan ng Guiguinto at lungsod ng Malolos.

Kinilala ang driver na si Ronald Perez Atayde, 32, at Roy Perez Atayde, 31, kapwa residente ng San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa report, nangyari ang insidente bandang alas-4:56 ng umaga nitong Huwebes, Pebrero 22, sa arko sa hangganan ng Guiguinto at Malolos.

Ayon sa report, habang binabagtas nila ang southbound lane ng McArthur Highway ng lugar lulan ng Foton Truck ay napaidlip ang driver hanggang sa mawalan ng kontrol at aksidenteng sumalpok sa nasabing arko.

Agad dinala ng mga awtoridad ang dalawang sugatan sa Bulacan Medical Center para sa paunang lunas at kalauna’y inilipat sa isang ospital sa Cabanatuan City.

Dahil dito, nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng kalsada at sinasabing inaalam na ng mga awtoridad ang halaga sa nasirang haligi ng naturang lumang arko. Dick Mirasol III

Previous articlePAF naghatid ng tulong sa DavOr; rumesponde sa forest fires sa Benguet
Next article‘Debt burden’ ng Pinoy families pinakamababa sa SE Asia