MANILA, Philippines- Sumalpok ang isang 14-wheeler trick sa isang pampasaherong jeepney at bahay dahilan ng pagkasugat ng apat na indibdiwal sa bahagi ng Road 10 sa Maynila.
Sa inisyal na ulat, binabaybay ng truck ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard nang bigla namang kumabig sa kaliwa ang pampasaherong jeep na patungong Moriones Street.
Sinabi ng pahinante ng truck na si Gavino Caranpatan na isa sa sugatan matapos magtamo ng sugat sa paa, malayo pa lamang umano sa panulukan ng Road 10 Moriones ay bumibusina na sila.
Dagdag pa niya, galing sa bandang kaliwa ang jeep na gumitna pa kaya nahagip ng pagtawid nila sa yellow line.
Nagawa pa umano nilang umiwas at kumabig sa kanan ang truck ngunit umabante naman ang jeep kaya nasapul.
Dito na aniya sila tumama sa bahay at dalawa pang motorsiklo na nadamay.
Agad dinala sa pagamutan ang driver ng jeep at truck, at motorcyle rider.
Pinaalalahanan naman ni Barangay Ex-O Vhangge Catalan ang mga motorista at residente na mag-ingat.
Patuloy ang isinasagawnag imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden