TS #AmboPH, babagsik pa hanggang Biyernes – PAGASA

TS #AmboPH, babagsik pa hanggang Biyernes – PAGASA

May 13, 2020 @ 1:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Posible pang lumakas ang Tropical Storm Ambo ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkoles, Mayo 13.

Ayon sa ulat ni weather specialist Aldczar Aurelio na inaasahang tutumbukin ni Ambo ang Ocampo, Camarines Sur sa Biyernes.

“Pagdating ng Friday morning, itong sentro ng bagyong Ambo nasa vicinity na po ng Ocampo, Camarines Sur,” ani Aurelio sa isang public briefing.

“Inaasahan po natin na lalakas ang bagyo at posible pong maging typhoon ang bagyong Ambo,” dagdag pa niya.

Sa 11 a.m. bulletin, itinaas ng weather bureau ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Northern Samar at northern portion ng Samar at Eastern Samar.

Bandang 10:00 a.m., namataan si Ambo bandadng 360 kilometers east ng Borongan City, Eastern Samar na may bitbit na 85 kilometers per hour (kph) na hangin at bugsong 105 kph. RNT

Share

Leave a Reply

Loading...