Home OPINION TSANSA NG PAGGALING MAS MATAAS sa CANCER SCREENING TEST

TSANSA NG PAGGALING MAS MATAAS sa CANCER SCREENING TEST

PARA mapataas ang survival rate buhat sa pagkakaroon ng cancer, nanawagan ang PCS CanCom o Philippine College of Surgeons Cancer Commission Foundation sa lahat ng mga Fi­lipino na sumailalim sa cancer screening test at huwag matakot sa magiging resulta nito.

Base sa datos ng organisasyon, 85% ng mga nagkakaroon ng cancer ay sanhi ng normal na pagtanda at unhealthy lifestyle at 15% lamang ang genetic o hereditary.
Ayon kay Dr. Manuel Francisco Roxas, isang cancer specia­list at siyang PCS CanCom Foundation chairperson, ang susi sa pagkakaligtas sa cancer ay maagang pagkakadiskubre nito.

Ang cancer ang siyang ikatlong sanhi ng pangunahing kamatayan ng mga Filipino at inaasahang tataas pa ito sa mga darating na panahon dahil tumatanda ang populasyon ng bansa.

May 184 na mga kaso ng cancer ang napag-aalaman sa bawat 1,000 ng Filipino kung saan nasa 96 ang namamatay sa bawat araw.

Binigyang diin naman ng DOH o Department of Health na nais ng Marcos administration na makapagsagawa ng malawakang cancer screening para kagyat itong malunasan ng maiwasan ang lubhang laki ng gastusin.

Naniniwala naman ang PCS CanCom Foundation na malaki ang maitutulong kapag nagawa na ang PCC o Philippine Cancer Center na alinsunod sa Republic Act No. 11215 o ang Philippine National Integrated Cancer Control Act. Itatayo ito sa East Avenue, Quezon city.
Kapag natapos ito, ang mga lubhang delikadong cancer ay tututukan nito habang ang common cancers ay sa kasalukuyang 35 na cancer control centers maaasikaso.

Sabi ng mga eksperto, dumarami ang kaso ng kanser sa bansa dahil sa limang behavioral and dietary risks kabilang ang high body mass index, low fruit and vegetable intake, lack of physical activity, tobacco use at too much alcohol use, na bumilis lumikha ng human papilloma virus (HPV) na siyang nagpapasimula nito.

Sa mga nabanggit na risk factors, paninigarilyo pa rin ang numerong unong sanhi ng kanser, nasa 22% dahil sa higit kumulang 70 chemicals na taglay nito na mga carcinogen katulad ng nicotine, carbon monoxide, acrolein at oxidant carci­nogens.

Sa mga klase ng cancer, ilan sa mga pangunahin ang breast, lung, colon and rectum, at prostate cancers. Pangunahing sanhi nito ang paninigarilyo, high body mass index, pag-inom ng alak, hindi pagkain ng gulay at prutas at kakulangan sa ehersisyo.

Previous articleEasterlies magpapaulan sa Eastern PH
Next articleLIBO-LIBONG SOLAR POWER IRRIGATION, IPAKAKALAT SA MGA SAKAHAN