Home METRO Tserman, itinumba sa kalsada

Tserman, itinumba sa kalsada

ILOCOS SUR-Tigok ang isang tserman ng barangay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Brgy. Panay Norte, Magsingal ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Magsingal Municipal Police Station ang biktima na si Lawrence Anco y Guillen, 65, may asawa, brgy. chairman ng Brgy. Poblacion, Sto..Domingo, Ilocos Sur.

Habang nakasakay ang biktima sa kulay itim na Yamaha NMAX 155 motorcyle, biglang nilapitan siya ng suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril.

Pagkatapos pagbabarilin ang biktima, agad na tumakas ang suspek

Ang biktima na nagtamo ng multiple gunshot wound sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ay agad na dinala sa Ilocos Sur District Hspital-Magsingal.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Magsingal MPS para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando Gamoso

Previous articleMatibay na kaso vs officials sa ‘biggest PH drug haul’ siniguro ng DOJ
Next articlePinas, ika-53 sa global democracy index