MANILA, Philippines- Matinding kinondena ng ilang miyembro ng Senado ang patuloy na panggigipit at panghihimasok ng China sa loob ng West Philippine Sea (WPS) partikular ang paghahabol sa Philippine Coast Guard sa teritoryo ng Pilipinas.
Wala pang kumpirmasyon ang PCG at Department of National Defense sa insidente.
Ngunit sa Senado, pinalagan nina Senador Jinggoy Estrada at Risa Hontiveros ang patuloy na panggigipit ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas na nagbabantay sa karagatan.
Sa unang pahayag, sinabi ni Hontiveros na ipinakikita ng huling panghihimasok ng China sa WP na pawang “reckless and irresponsible” ang insidente.
Aniya, lantarang nilalabag ng China ang international law hinggil sa karagatan partikular ang teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa gobyerno na idulog ang isyu sa United Nations General Assembly.
“I hope that the Senate can tackle my resolution regarding this as soon as session resumes, as we need the support of the wider international community to stop China’s unbridled aggression,” ayon kay Hontiveros.
Lubhang ikinabahal naman ni Estrada ang insidente ng panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
“[T]his violates our sovereignty and territorial integrity as well as endangers the safety and security of our maritime forces,” aniya.
Hiniling niya sa gobyerno na gamitin ang lahat ng legal at diplomatic na pamamaraan upang tugun an ang isyu at humanap ng kaukulang remedy. Ernie Reyes