Home HOME BANNER STORY Tsina nagbabala sa Pinas: Sitwasyon sa S. China Sea ‘wag maliitin

Tsina nagbabala sa Pinas: Sitwasyon sa S. China Sea ‘wag maliitin

BEIJING- Nagbabala ang China sa Pilipinas na sakaling miskalkulahin ng huli ang maritime situation, dedepensahan ng China ang karapatan nito.

Inihayagb ito ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa pakikipag-usap sa kanyang Philippine counterpart sa telepono nitong Miyerkules, ayon sa foreign ministry, na tinutukoy ang tensyon sa South China Sea.

Ani Wang, dapat talakayin ng dalawang bansa ang sigalot  at tutukan ang pangangasiwa sa  kasalukuyang maritime situation.

Sinabi pa ni Wang na ang mitsa ng “serious difficulties” sa bilateral ties ay ang pagbabago ng policy stance ng Pilipinas at pinayuhan ito “to return to the right path” sa lalong madaling panahon. RNT/SA

Previous articleJN.1 tinukoy na COVID variant of interest
Next articleRichard, sasampahan na ng kaso si Sarah, inawat ni Ruffa!