Home HOME BANNER STORY Tsina naglabas ng 10 dash-line na mapa; Pinas, India pumalag

Tsina naglabas ng 10 dash-line na mapa; Pinas, India pumalag

570
0

MANILA, Philippines – PINALAGAN hindi lamang ng Pilipinas kundi pati ng bansang India ang bagong bersyon ng mapang inilabas ng China kung saan makikita na mula nine-dash line ay naging Ten-dash line na ang bagong bersyon ng mapang inilabas ng China.

Sa pagdiriwang ng kanilang annual National Surveying and Mapping Promotion Day, inilabas ng China ang 2023 version ng kanilang “standard” map.

Ang bagong mapa ng China ay makikita sa Chinese website nito.

Nauna rito, hayagang pinalagan ni dating Supreme Court Associaate Justice Antoio Carpio ang bagong bersyon ng mapa ng Tsina dahil mula sa Nine-dash line map na umaangkin na sa halos buong South China Sea kasama na ang West Philippine Sea ay naging Ten-dash line na ang mapa ng China.

Ani Carpio, base sa detalye ng 2023 version ng mapa ng China, sinabi nito na bahagi ng kanilang national boundary ang buong South China Sea.

“So kinlaro nila that the lines in the South China Sea, whether nine or ten, constitute their national boundary. So if it’s your national boundary, everything within that is your national territory. Klaro ngayon, they clarified it that way,” ayon kay Carpio sa panayam sa kanya ng “24 Oras”.

“I think the intention is to say that Taiwan is part of China,” dagdag na wika ni Carpio.

Samantala, inalmahan na rin ng ilang senador ang 2023 China map.

Previous articleCulture of violence sa armed officers bunga ng war on drugs – Risa
Next articleCharter change ‘di isinusulong ng DILG; constitutional reform ‘campaign’ lang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here