Home NATIONWIDE Tsina naglunsad ng drills kasunod ng US trip ng Taiwan VP

Tsina naglunsad ng drills kasunod ng US trip ng Taiwan VP

BEIJING- Naglunsad ang Chinese military ng drills sa paligid ng Taiwan nitong Sabado bilang “stern warning” sa tinawag nitong pagsasabwatan ng “separatists and foreign forces,” ayon sa defense ministry nito, ilang araw matapos bumisita ng vice president ng Taiwan sa United States.

Kabilang sa paglalakbay ni Taiwanese Vice President William Lai sa Paraguay upang pagtibayin ang relasyon sa huling diplomatic partner ng pamahalaan nito sa South America, ang pagbisita sa San Francisco at New York City. Iginigiit ng ruling Communist Party na bahagi ng teritoryo nito ang democratic Taiwan at wala umano itong karapatang magsagawa ng foreign relations.

Inihayag ng tagapagsalita ng China’s Eastern Theater Command na kasama sa military exercises ang koordinasyon ng mga barko at eroplano at kanilang abilidad na kontrolin ang air at sea spaces.

Sinuri rin nito ang “actual combat capabilities ” ng pwersa, ani Shi Yi. Dagdag nito, isang babala ang drills sa probokasyon umano mula pro-Taiwan independence forces at foreign forces.

Iniulat ng state media CCTV na kasama sa drills ang missile-equipped boats at fighter jets at nagsagawa ng simulation ng pagpalibot sa Taiwan ang units.

Iniulat ng Taiwan’s defense ministry sa social media platform X, dating kilala bilang Twitter, na natukoy nito ang 42 Chinese military aircraft mula alas-9 ng umaga nitong Sabado.

Nagtalaga naman ang Taiwan ng aircraft at vessels at pinakilos ang land-based missile systems bilang tugon sa drills at mahigpit na binabantayan ang sitwasyon, ayon sa ministry.

Naghiwalay ang Taiwan at China noong 1949 kasunod ng isang civil war na nagresulta sa pagkontrol ng ruling Communist Party sa mainland. Kailanman ay hindi naging parte ang self-ruled island ng People’s Republic of China, subalit nakikita ng Beijing ang Taiwan bilang “breakaway province” na babawiin gamit ang pwersa, kung kinakailangan. RNT/SA

Previous articleNinoy Aquino inalala pamilya, mga taga-suporta  
Next articleE-ticketing system target ikasa ng PPA