Home NATIONWIDE Tsina nakialam sa halos kalahati ng PH resupply missions – Navy

Tsina nakialam sa halos kalahati ng PH resupply missions – Navy

MANILA, Philippines- Nakialam ang Chinese vessels sa halos kalahati ng 28 rotation at resupply missions ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) noong 2023, ayon sa Philippine Navy nitong Martes.

“On the number of incidents that there were illegal actions by the maritime militia or the Chinese Coast Guard, I would say that less than half,” pahayag ni Navy spokesperson for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad sa isang press briefing.

“We do not gauge the success of the mission based on the interference or intervention of the maritime militia or the Chinese Coast Guard. We based it on the conduct of the missions successfully to deliver the supplies and to rotate the troops,” dagdag ng opisyal.

Karamihan sa mga pagharang noong 2023 ay naganap sa Ayunin Shoal.

Ani Trinidad, tatlo sa 14 misyon nito ang nakaranas ng harassment mula sa Chinese ships. 

Kabilang dito ang water canon incidents, dangerous maneuvers, at presensya ng Chinese vessels sa lugar sa kasagsagan ng mga misyon, ayon kay Trinidad.

Samantala, ilang misyon ang naantala dahil sa masamang panahon at kondisyon ng mga barko.

Matagumpay naman ang pinakabagong rotation at resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at inilarawan bilang “flawless” ng Armed Forces of the Philippines noong Pebrero 2. RNT/SA

Previous articleUtos na pagbuwag sa Task Force Davao ‘di totoo – AFP
Next articleSenado nanindigan sa transparency, accountability