Home HOME BANNER STORY Tsina natuwa, nagpasalamat sa pagsunod ng Pinas sa One China Policy

Tsina natuwa, nagpasalamat sa pagsunod ng Pinas sa One China Policy

MANILA, Philippines – IKINATUWA At nagpasalamat ang China sa Pilipinas matapos tiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinusunod pa rin ng bansa ang One-China policy.

“We appreciate President Marcos reiterating the Philippines adherence to the one-China policy, emphasizing Taiwan is a province of China and the Philippines not endorsing Taiwan independence,” ayon sa kalatas ng China Embassy sa Maynila.

Nauna rito, igiit ng Pangulo na hindi kailanman ineendorso ng gobyerno ng Pilipinas ang “independence” ng Taiwan mula sa China nang batiin nito si Taiwan President-elect Lai Ching-te na nanalo sa nasabing posisyon sa nakalipas na eleksyon doon.

Binigyang diin ng Chief Executive na ang kanyang pagbati kay Lai ay “just a common courtesy.”

”Ako, very simple lang ang ano ko diyan… noong naging Presidente ako binati ako, so what do you do. It’s just common courtesy that you do the same for them. That’s really where it came from,” ayon sa Pangulo na aminadong labis na ikinagulat ang negatibong reaksyon ng China sa kanyang “congratulatory message” kay Lai.

Samantala, sinabi naman ng Chinese embassy na “there is but one China in the world” at ang Taiwan “is an inalienable part of China’s territory.”

“The complete reunification of China is where global opinion trends and where the arc of history bends. China will realize reunification, and this is unstoppable,” dagdag na pahayag pa ng embahada. Kris Jose

Previous article3 patay, 26 sugatan sa araro ng bus
Next articleLebel ng tubig sa Luzon dams patuloy sa pagbaba – PAGASA