BEIJING, China- Iginiit ng Beijing nitong Biyernes na para lamang sa self-defense ang nuclear program nito at hindi dapat matakot ang ibang bansa hangga’t hindi nito binabantaan ang China ng pag-atake.
Sinabi ng Washington nitong linggo na bumubuo ang nuclear arsenal ng China nang mas mabilis kumpara sa US projections, at posibleng magkaroon ang Beijing ng mahigit 1,000 operational nuclear warheads sa 2030.
Nang tanungin ukol dito, inihayag ng China’s foreign ministry ang “firm opposition” nito sa US report, subalit hindi direktang itinanggi ng tagapagsalita ang binanggit na bilang.
“China firmly pursues a nuclear strategy of self-defense,” ani foreign ministry spokesperson Mao Ning.
“We have always kept our nuclear forces at the minimum level required for national security and have no intention to engage in a nuclear arms race with any country.”
“No country will be threatened by China’s nuclear weapons as long as it does not use or threaten to use nuclear weapons against China,” ayon pa sa opisyal.
Sinita rin niya ang aksyon ng US “to invest heavily in upgrading its nuclear” forces at polisiya nitong pagbibigay ng nuclear protection sa non-nuclear allies, na pormal na kilala bilang “extended deterrence”.
“These policy actions aggravate the risk of a nuclear arms race and nuclear conflict, and will only worsen the global strategic security environment,” babala ni Mao.
Sa kasalukuyan ay mayroong halos 3,700 nuclear warheads ang United States, kasunod ng Russia na mayroong 4,500, ayon sa Stockholm International Peace Research Institute, na sinabing mayroong 410 warheads ang China ayon sa bilang nito.
Opisyal na ini-adopt ng Beijing ang nuclear policy na “no first use” — nangangahulugang gagamitin lamang nito ang nuclear weapons kung una itong inatake.
Subalit sa mga nakalipas na taon, sa ilalim ni President Xi Jinping, sinimulan nito ang malawakang military modernization drive na saklawa ang pagpapaigting sa nuclear weapons nito hindi lamang upang matalo ang mga kalaban kundi para na rin sa counter-attack sakaling pumalya ang “deterrence.” RNT/SA