Home NATIONWIDE Tsina rumesbak sa sita ni Gibo: We will fight back

Tsina rumesbak sa sita ni Gibo: We will fight back

MANILA, Philippines – “China will never accept anyone making provocations on the Taiwan question and we will fight back.”

Ito ang tugon ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Mao Ning sa sita ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at inakusahan ang China na “gutter-level talk” kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hinikayat din ni Mao ang Pilipinas na sumunod sa one-China principle” nito at itigil na ang “wrong words and deeds” ukol sa Taiwan.

Nauna rito, pinalagan at hindi pinalampas ni Teodoro ang sinabi ni Mao kung saan pinayuhan nito si Pangulong Marcos na “read more books” ukol sa mga isyu ng Taiwan.

Nag-ugat ang nakaiinsultong pahayag ni Mao sa Pangulo nang batiin ng Chief Executive si Taiwan’s president-elect Lai Ching-te na nanalo sa kamakailan lamang na presidential election sa nasabing bansa.

Para kay Mao, ang pagbati ni Pangulong Marcos kay Lai Ching-te ay isang paglabag sa One-China policy at isang “a serious breach of the political commitments by the Philippines.”

“We suggest that President Marcos read more books to properly understand the ins and outs of the Taiwan issue, so as to draw the right conclusions,” ayon kay Mao.

Agad namang sinupalpal ni Teodoro si Mao sa naging pahayag niyang ito sa Pangulo sabay sabing si Mao ay “stooped to such low and gutter level talk—resorting to insulting our President and the Filipino nation, and further debasing herself, the Ministry, and Party she represents in the process.”

“But then again, we should not at all be surprised—being a nation and people enjoying the privileges, rights, and freedoms of a democratic society—that an agent of a Party and system of government incompatible with our way of life and who routinely spouts State-sanctioned propaganda and disinformation would go that far and that low,” ayon sa Kalihim.

“It is unfortunate, but I am, myself, unsurprised. The spokesperson’s statements were ‘on brand.’ We, and the world, should not expect more,” dagdag na wika ni Teodoro.

Kamakailan ay binati ni Pangulong Marcos si President-elect Lai Ching-te ng Taiwan dahil sa pagkapanalo nito.

“On behalf of the Filipino people, I congratulate President-elect Lai Ching-te on his election as Taiwan’s next President,” sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang pagbati ay ginawa ng Pangulo matapos ihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatuon ang Pilipinas sa One-China policy matapos ang eleksyon sa Taiwan.

“We look forward to close collaboration, strengthening mutual interests, fostering peace, and ensuring prosperity for our peoples in the years ahead,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagpasalamat naman si Lai Ching-te kay Pangulong Marcos. Kris Jose

Previous articlePCSO chief sa viral photo: Pangit ang editing? Eh di kayo na ho
Next articleUnprogrammed funds legal – solon