Home HOME BANNER STORY Tsina, Vietnam sasampahan ng kaso ng Pinas sa cyanide fishing

Tsina, Vietnam sasampahan ng kaso ng Pinas sa cyanide fishing

MANILA, Philippines – MAAARING magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China at Vietnam sa gitna ng alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.

Sinabi ni National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya na sisimulan na ng pamahalaan na imbestigahan ang ulat ng paggamit ng cyanide.

Ang resulta ng imbestigasyon ay ipadadala Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng paghahain ng kaso sa korte.

“We will investigate this report and if validated puwede natin itong i-forward sa DOJ at OSG because sila po ngayon ang gumagawa ng mga hakbang para mapalakas iyong pinaplano nating pagsasampa ng kaso kung saan mang tribunal for environmental degradation,” ayon kay Malaya sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon.

Sa ulat, ibinunyag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ginamitan ng cyanide ng Chinese fishermen ang Bajo de Masinloc upang maitaboy sa lugar ang mga mangingisdang Pinoy.

Maging ang Vietnamese fishermen ay gumagamit din ng cyanide sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

“At sinasabi, according to Filipino fishermen, ‘yung mga Chinese fishermen, if I am not mistaken, ay gumagamit ng cyanide as well ang mga Vietnamese fishers,” ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera.

Samantala, sinabi ni Malaya na ang National Security Council (NSC) kung saan ay nagsisilbi rin siya bilang assistant director general, ay naalarma sa ulat ng paggamit ng cyanide sa Bajo de Masinloc.

“But, we have to be careful also. So we have to validate and investigate,” paliwanag nito.

“So ang sabi namin sa BFAR, ‘Complete the documentation that you have taken, iyong mga ebidensiya at mga affidavits na makukuha natin. Submit your post-mission report to the NTF WPS.’”aniya pa rin.

Para naman kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na ang alegasyon na gumagamit ng cyanide ang mga mangingisdang intsik ay malinaw na kathang-isip lamang.

Bagama’t iginigiit ng China na mayroong itong soberanya sa “Huangyan Dao” at katabing-katubigan, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na “Chinese government attaches great importance to the protection of eco-environment and conservation of fishing resource and resolutely fights against fishing activities that violate laws and regulations.”

Gaya na rin ng inihayag ng Chinese Embassy in the Philippines na ang alegasyon laban sa mga mangingisdang intsik ay walang basehan.

“Such continuous disinformation has led up to nothing but exacerbation of the maritime tensions and destabilization of bilateral relations,” ayon sa embahada.

“We urge the relevant Philippine agencies to handle maritime issues with all seriousness and meet the Chinese side halfway in safeguarding bilateral relations as well as peace and stability in the South China Sea.” anito pa rin. Kris Jose

Previous articleKamara sinubpoena si Quiboloy
Next article12 arestado sa illegal online gambling