Tsinelas Festival ng Laguna, kanselado vs banta ng COVID-19

Tsinelas Festival ng Laguna, kanselado vs banta ng COVID-19

March 13, 2020 @ 1:43 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Laguna, Philippines – Kanselado ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival sa Laguna na nakatakda mula Abril 28 hanggang Mayo 3 dahil sa banta ng COVID-19.

Inanunsyo ito ni Liliw Mayor Ericson Sulibit sa social media nitong Huwebes.

Sinabi ni Sulibit na para siguruhin ang kaligtasan ng mga bisita at lokal na residente ang kanselasyon ng selebrasyon.

Wala pang panibagong petsa kung kailan isasagawa ang selebrasyon.

Nananatili pa ring COVID-19-free ang Laguna.

Taunang ipinagdiriwang ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival kung saan itinatampok ang mga sapin sa paa na tinatawag na “tsinelas” kung saan kilala ang bayan. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...