MANILA, Philippines – Timbog ang Chinese national na nahuling nagbebenta ng mga pre-registered SIM card na umaabot ng hanggang P500,000 ang halaga at ginagamit para makapang-scam sa Parañaque City.
Nadakip ang suspek ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation–Pampanga matapos bentahan ang kanilang undercover operative ng pre-registered SIM sa halagang P3,000 hanggang P6,000 na pinapasa sa mga POGO company para magamit sa scam.
Nang isalang sa pre-registration ang mga SIM, lumabas na rehistrado na sa ibang pangalan ang 20 SIM cards.
Base sa SIM Registration Law, ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-transfer ng rehistradong SIM.
alarin ng paglabag sa Civil Registration Act na may parusang kulong na anim na buwan hanggang anim na taon. RNT