Home METRO Tsino dinamba sa tingga, bato sa hotel-casino

Tsino dinamba sa tingga, bato sa hotel-casino

311
0

Arestado ang isang Chinese national makaraang mahulihan ito ng baril at shabu sa isang hotel and casino hub sa Parañaque City nitong nakaraang Linggo (Setyembre 10).

Sa report ng Parañaque City police sa Southern Police District (SPD) ay kinlala ang dinakip na suspect na si Wan Liang, 40.

Base sa imbestigayon ng Parañaque City police, naganap ang pag-aresto sa suspect dakong alas 3:00 ng hapon sa Pearl Entry ng Okada Manila, Entertainment City na matatagpuan sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Nauna dito ay tinangkang pumasok ni Liang sa loob ng nabanggit na hotel at dumaan sa routine inspection ang kanyang dalang bag kung saan may nakitang kahina-hinalang bagay sa loob nito.

Sa pagkakataong ito ay agad na pinigilan si Liang na makapasok pa sa loob ng establisimiyento at sa patuloy na pag-inspeksyon sa bag na dala ng suspect ay narekober ng mga security personnel ng nabanggit na hotel ang isang .45 caliber pistol na may magazine at kargado ng pitong bala, isang zip-locked plastic sachet na naglalaman ng 1.77 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P12,036, dalawang tabletas ng ecstacy na may halagang P3,400, iba’t-ibang uri ng IDs at P710 cash.

Agad na nai-turnover ang sa Tambo police substation si Liang matapos ang pagkakadiskubre sa ilegal na baril at shabu sa kanyang posesyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police. (James I. Catapusan)

Previous articleGibo lusot sa makapangyarihang CA bilang DND chief
Next article43 diplomatic protests sa WPS isinampa ng Pinas vs Tsina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here