Home METRO Tsino swak sa baril sa P’que

Tsino swak sa baril sa P’que

Isang Chinese national na naunang nasangkot sa banggaan ng sasakyan ang inaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Paranaque City police matapos itong mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa kanyang sasakyan Martes ng gabi (Enero 16).

Sa report ng Paranaque City police sa Southern Police District (SPD) ay nakilala ang inarestong suspect sa alyas lamang na “Yiju”.

Ayon sa SPD, nadakip ang suspect dakong alas 10:30 ng gabi sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Bago pa man madakip ang suspect, una nang nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang village security guard tungkol sa aksidente ng banggaan ng sasakyan sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at sa ginawang inspeksyon ay nadiskubre sa sasakyan ng suspect ang isang .9mm pistol na nakapatong sa passenger seat.

Hinanapan ng dokumento ang suspect at nang wala itong maipakitang kahit isang dokumento ay inaresto na ito kasabay ng pagkumpiska ng kanyang hindi lisensyadong baril.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions ang suspect na kasalukuyan namang nakapiit sa custodial facility ng Paranaque City police. (James I. Catapusan)

Previous articleBI kinastigo ni Poe sa pagbibigay ng work visa sa fake firms: Banta sa seguridad
Next articleJordanian tumakas; BI naglungsad ng manhunt