Home METRO Tsuper diretso selda sa P150K tobats

Tsuper diretso selda sa P150K tobats

338
0

SHOOT sa loob ng selda ang isang hinihinalang tulak di-umano’y ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraan magsagawa ng bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Richard Bugani, 40, driver, residente ng Barangay Maysan.

Base sa natanggap na impormasyon ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek.

Sa ulat ng pulisya, agad na ikinasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-5:50 ng madaling araw sa labas ng kanyang bahay matapos bentahan ng P2,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng iligal na droga.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang humigi’t-kumulang 23 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P156,400, buy bust money na isang genuine P500 peso bill kasama ang 2 pirasong P1,000 peso bill boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

Previous articleLa Loma Lechon Festival
Next articleMass relief ng NegOr police naka-hold muna

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here