Home OPINION TUCP SUPORTADO ANG PAGTATAAS NG SAVINGS RATE NG PAG-IBIG FUND

TUCP SUPORTADO ANG PAGTATAAS NG SAVINGS RATE NG PAG-IBIG FUND

SA pamamagitan ng isang liham na ipinadala ni Deputy Speaker, Cong­ressman Atty. Raymund Democrito Mendoza, national president ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines, ay kanilang muling inihayag ang suporta sa Home Development Mu­tual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund kaugnay sa planong pagtataas ng savings rate para sa kapwa employee members at  employers simula ngayong January 2024.

Naniniwala ang TUCP na mas ma­laki ang benepisyong mapapakina­ba­ngan ng mga manggagawa kung mas lalaki ang kanilang kontribusyon buwan-buwan kumpara sa kasaluku­yang Php 200.00 na pinaghahatian ng employer at employee. Taong 1986 pa huling nagkaroon ng pagtataas sa kontribusyon.
Kabilang sa mga benepisyong kaloob ng Pag-IBIG Fund ang cash loan, calamity loan, at housing loan, at sa mas malaking impok, mas malaki ang dibedendo, mas malaki ang makukuha sa panahon ng pagreretiro.

Kasabay nito, kinilala rin ng TUCP ang mahalagang gampanin ng Pag-IBIG Fund para sa pagseseguro sa pagkakaroon ng abot-kayang pabahay ang maliliit na manggagawa.

Ang TUCP ay isa sa mga pinakamalalaking worker’s organization sa ban­sa na binubuo ng 27 labor federations na mula sa hanay ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, overseas Filipino workers, seafarers, at mula sa informal economy.

Batay sa nakatala sa new saving’s rate ng Pag-IBIG Fund, ang magiging basehan ng kompyutasyon ng 2% share ng kapwa employer at employee member ay Php 10,000 pesos na mula sa dating Php 5,000 pesos lamang. Ibig sabihin, magiging Php 200.00 pesos  na ang kapwa saving’s rate share o kabuuang Php 400.00 pesos kada buwan.

Hinihintay pa ng ahensiya ang kasagutan ng Office of the President sa pagsisimula ng implementasyon ng saving’s rate scheme na naantala ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marilene Acosta, chief executive officer ng Pag-IBIG Fund, na­­iintindihan ni President Ferdinand “BBM” Marcos ang kahalagahan ng pagsisimula ng implementasyon ng pagtataas ng saving’s rate. Nagpasalamat din siya sa paggiit ng TUCP sa kanilang posisyon simula pa noong taong 2019.

Sa kasalukuyan ay nasa 15.58 million members ang Pag-IBIG Fund.

Previous articleRichard at fam, gumanti kay Sarah!
Next articleXian, iwas sa isyu ng breakup nila ni Kim!