Home NATIONWIDE Tugade nagbitiw bilang LTO chief

Tugade nagbitiw bilang LTO chief

448
0

MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Atty. Jose Arturo Tugade bilang pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ay sa dahilan na nagkakaiba kasi ang pamamaraan ng LTO at ng main unit ng ahensya na Department of Transportation (DOTr).

Sa pahayag na inilabas sa pamamagitan ng
Presidential Communications Office nitong Lunes, Mayo 22, sinabi ni Tugade na ang desisyong magbitiw sa pwesto ay magbibigay ng pagkakataon kay Transportation Secretary Jaime Bautista na makapili ng taong tutugma sa pamamaraan na nais niya sa pagpapatakbo ng ahensya.

“Even as DOTr and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ,” ani Tugade.

“I will continue to root for the LTO’s success even as a private citizen, because I will always share in Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country,” dagdag pa niya.

Si Tugade, anak ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade, ay itinalaga bilang LTO chief noong Nobyembre 2022 dahil sa kakayahan nito sa pamumuno.

Bago ang pagbibitiw sa pwesto, matatandaan na nasangkot ang LTO sa isyu ng kakulangan ng plastic driver’s license cards kung kaya’t umabot sa puntong ang lisensya ay ipi-print na lamang sa papel.

Maliban dito, sinabi rin ng ahensya na magkukulang na sa plaka para sa mga motorsiklo pagsapit ng Hunyo at magkukulang na rin sa plaka ng iba pang mga sasakyan pagsapit ng Hulyo. RNT/JGC

Previous articleBatangas, nilindol
Next articleCalamity fund pwedeng gamitin sa nasunog na Central Post Office – Recto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here