MANILA, Philippines – Lumubog ang isang tugboat sa baybayin ng Barangay Subukin sa San Juan, Batangas na nagdulot ng oil spill sa lugar ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ligtas naman ang lahat ng crew ng M/TUG Strong Bravery na agad nakalikas.
“Due to strong waves, the water flooded inside the motor tug, causing it to submerge yesterday, 08 February 2023. During the initial assessment, the PCG team discovered that oil spilled in the surrounding area and scattered along the port,” ayon sa pahayag ng PCG.
Ayon sa PCG, ang oil spill ay umabot na sa lawak na 300 square meters.
Nagsagawa naman ng vessel inspection ang PCG Marine Environmental Protection Group-Batangas at shoreline assessment upang matukoy ang epekto ng maritime incident.
Natuklasan ng grupo ang tinatayang 30 hanggang 40 litro ng oil patches sa kahabaan ng apektadong dalampasigan.
Ang mga tauhan naman ng PCG at crew nito ay nagsagawa ng manual oil spill recovery gamit ng sorbent pads at empty drums. Jocelyn Tabangcura-Domenden