Home NATIONWIDE Tugon ng PBBM admin sa gusot sa WPS, aprub sa karamihan ng...

Tugon ng PBBM admin sa gusot sa WPS, aprub sa karamihan ng mga Pinoy – survey

Isa na namang panggigipit ng China sa barko ng PIlipinas sa teritoryong hindi naman sa kanila.

MANILA, Philippines – NATUKLASAN ng bagong survey na mayorya ng adult Filipino na sang-ayon ang mga ito sa “approach” ng administrasyong Marcos sa paghawak sa territorial dispute sa China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos na makita ang 15% na pagtaas ng umayon sa pagkilos ng gobyerno.

Sinabi ng OCTA Research, araw ng Huwebes na ang kanilang “Tugon ng Masa” survey para sa third quarter ng taon ay nagpapakita na 58% ng mga respondents ang payag sa pograma at polisiya ng gobyerno sa isyu ng pinagtatalunang WPS.

Ito’y tumaas mula sa 43% na naitala sa second quarter survey na isinagawa noong Hulyo.

Simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong magtatapos ang Hunyo ng nakaraang taon, naghain ang pamahalaan ng mahigit sa daang diplomatic protests dahil sa agresyon ng China sa WPS, kung saan kabilang dito ang paggamit ng military-grade laser laban sa barko ng Pilipinas at maging ang water cannon attacks.

Tinuran din ng mga opisyal ang pinalakas na pagsisikap upang itaas ang kaalaman at kamalayan sa aksyon ng Beijing na inilarawan ng mga ito bilang “provocative” at “acts of bullying.”

Kamakailan lamang, nagsagawa rin ang Pilipinas ng joint patrols kasama ang US sa WPS, bagay na hindi nagustuhan ng China kaya’t inakusahan ng China ang Maynila na “stirring up trouble” sa rehiyon.

Ayon sa OCTA Research, ang pinakamataas na agreement ratings ay nakita sa Kalakhang Maynila , sinundan ng Visayas at Mindanao. Kabilang sa mga rehiyon, ang Bicol Region ang nakapagtala ng “largest percentage” habang ang disagreement ang pinakamataas sa Northern Mindanao.

Natuklasan din ng survey na karamihan sa mga respondents na may edad na 75 at pataas ay sang-ayon sa state policies sa naturang usapin, habang ang disagreement ang pinakamataas sa 18 hanggang 24 age group.

Samantala, itinuturing na “significant majority” ng mga respondents ang pabor sa dual approach ng diplomacy at military action – kung saan ang pakahulugan ng huli ay pinalawig na “naval patrols at troop presence” sa WPS – sa paggiit sa karapatan ng bansa.

Makikita sa resulta na 42% ang nais ang mas maraming joint patrols sa kapanalig na bansa.

Pagdating naman sa larangan ng socioeconomic classes, ang agreement ratings ang pinakamataas sa hanay ng mga Filipino na nabibilang sa Class D at ang pinakamababa sa hanay ng Class ABC. Kris Jose

Previous articleNegOr nakarekober na sa political tension, security threats – NOCCI
Next articleManila LGU naglabas ng kautusan sa paggamit ng paputok, pyrotechnic