Home METRO Tulak, asset bulagta sa Bulacan buy-bust

Tulak, asset bulagta sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Patay ang isang asset nang barilin ng drug peddler na bumulagta rin kalaunan matapos manaban sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ang napatay na si alyas Bernard, civilian informant at allyas “Alexis” na umano’y drug peddler.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng Santa Maria police naganap ang operasyon bandang 8:35 ng gabi nitong Pebrero 13 sa Brgy. San Vicente.

Nabatid na nakatunog ang suspek na asset si Bernard kaya walang kaabog-abog na binaril niya ito hanggang napilitang gumanti ang mga pulis na kapwa na nasa lugar.

Dahil dito, agarang namatay ang suspek habang agad dinala si Bernard sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas subalit namatay din kalaunan. Dick Mirasol III

Previous articleEnrile binati ng Malakanyang sa ika-100 kaarawan
Next articleMetro Manila malapit nang magkaroon ng 6 police districts