Home METRO Tulak kulong sa P.7M shabu sa Caloocan

Tulak kulong sa P.7M shabu sa Caloocan

TINATAYANG P.7 milyong halaga ng illgal na droga ang nasamsam sa isang tulak na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Maj. Jeraldson Rivera ang naarestong suspek na si alyas “Negneg”, 26 ng Valenzuela City. Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na dakong alas-7:52 ng gabi nang magsagawa sila ng buy bust operation kontra sa suspek sa Torres Bugalyon St., Brgy. 9, Caloocan City matapos magpositibo sa kanilang validation ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y ilegal drug activities nito.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng droga at nang tanggapin niya ang P1,000 marked money, kasama ang 25 pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba. Ani Major Rivera, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000, buy bust money, isang sling bag at cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan

Previous articleThirdy inaming nalungkot ng ‘di masama sa  Final 12 sa World Cup
Next articleLeBron, Giannis nangunguna pa rin sa patapos na NBA All-Star fan voting