MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 51-anyos na construction worker dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng Republic Act 9165, at nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang ₱170,000 halaga ng hinihinalang illegal drugs.
Naaresto sa operasyon dakong 5:20 ng madaling araw nitong Huwebes, Hulyo 20, sa C5 Road, Waterfun, Brgy. Western Bicutan, Taguig City ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek na si Roger Orsal.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng crystalline substance suspected na shabu, na may tinatayang timbang na 25 gramo na may Standard Drug Price na P170,000, at ₱500 na buy-bust money at green pouch.
Samantala, tiklo ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Unit ang Top 8 Most Wanted Person ng Taguig City Police Station sa kaparehong araw sa Madelo St., Purok 4, Lower Bicutan, Taguig City.
Kinilala ng mga awtoridad ang wanted na si Romeo Posada Jr Buena-Oro, na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may docket na Criminal Case No. 10924-D (Sec. 11, Art. II RA 9165) na ipinalabas ni Hon Judge Antonio Murillo Olivete ng RTC Branch 267, Taguig City nitong Hunyo ng kasalukuyang taon. Dave Baluyot