Home METRO Tulak tigbak sa buy bust ops

Tulak tigbak sa buy bust ops

DAVAO CITY- TIGBAK ang isang drug dealer matapos umanong manlaban sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na suspek na si Sherwin Familiar, ng Ponte Verde Subdivision, Phase 2, Barangay Communal, ng nasabing bayan.

Sa pinagsamang operasyon ng Davao City police at Police Regional Office-11, bandang 12:56 AM naganap ang operasyon sa nasabing lugar.

Ayon sa awtoridad habang nasa gitna ng transaksyon nakatunog ang suspek na mga pulis ang kausap nito kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang operatiba at tinamaan ang suspek sa katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha sa suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P748,000 at 50 gramo ng marijuana na may halagang P6,000.

Narekober rin sa suspek ang .45 caliber na may 5 bala. Mary Anne Sapico

Previous articleBabaeng negosyante, pinagbabaril patay
Next articleSUV sinuwag ng motorsiklo, mag-ama sugatan