Home METRO ‘Tulak’ tiklo sa P3.4M shabu  

‘Tulak’ tiklo sa P3.4M shabu  

ILIGAN CITY- Nasabat ang shabu  na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang hinihinalang drug pusher sa isang buy-bust operation sa Sinsuat Ave.,  Barangay Poblacion 5, Cotabato City nitong Lunes.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Norhan Abdullah Padao, alyas Datu Sajied at Garay, 25, mula sa Isulan, Sultan Kudarat.

Nakuhanan si Padao ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 10 heat-sealed transparent plastic sachets na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon, buy-bust money, isang mobile phone, at identification card.

Isinagawa ng Cotabato City police, katuwang ang National Bureau of Investigation, Philippine National Police-Drug Enforcement Group-Special Operations Unit, PNP Maritime Group, at Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing operasyon.

Kasalukuyang hawak ng PDEA si Padao at naghihintay ng inquest proceedings para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleBulkang Taal malabong sumabog – Phivolcs
Next article‘No permit, no rally’ sa Maynila kasado sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution