MANILA, Philippines – SHOOT sa kulungan ang isang kelot na tulak ng ipinagbabawal na droga matapos itong madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.
Kinilala ang suspek na si Joe Marie Lazo y Oliveros, 43, residente ng #6111 B-Lower Tibagan, Gen. T De Leon ng nasabing lungsod at kasalukuyang nakapiit sa detention cell facility.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Carlos Erasquin Jr., may hawak ng kaso, bandang alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo laban kay Lazo sa 6111B-Lower Tibagan, Gen T De Leon.
Base sa ulat ng pulisya, isang pulis ang nagpanggap na buyer ng iligal na droga at nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nang ibigay na ng suspek ang biniling shabu ng undercover na pulis ay agad itong inaresto ng ibang operatiba na nakapaligid sa nasabing lugar.
Narekober sa suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 21 gramo at tinatayang nasa P142,800 ang halaga, P500 pesos buy bust money, P300 pesos, coin purse at isang itim keypad cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong violation of Section 5, 11 under Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez