Home METRO Tulak timbog sa P68K shabu sa Navotas buy bust

Tulak timbog sa P68K shabu sa Navotas buy bust

MANILA, Philippines – KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na dumadayo pa para mabenta ng shabu matapos malambat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek bilang si alyas “Mac-Mac”, 28 ng Balot, Tondo Manila.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) sinbi ni P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa buy bust opertion sa Langaray St., Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10.06 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,408 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Ayon kay Col. Cortes, unang nakatanggap ng impormasyon ang SDEU na dumadayo pa umano sa Navotas ang suspek para magbenta ng shabu kaya ikinasa nilang ang drug operation kontra sa kanya nang magpositibo ang isinagawa nilang validation.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Previous articlePH, Canada tuminta ng kasunduan vs dark vessels
Next articleMga lider ng iba’t ibang partido nalungkot sa paninira sa Kamara