Home METRO Tulay sa Davao de Oro bumigay sa tuloy-tuloy na pag-ulan

Tulay sa Davao de Oro bumigay sa tuloy-tuloy na pag-ulan

MANILA, Philippines – Gumuho ang bahagi ng isang tulay sa Monkayo, Davao de Oro dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Easterlies.

Walang iniulat na nasaktan sa pangyayari ngunit hinarangan na ang tulay upang maiwasan pa na may ma-aksidente.

Dahil dito ay kinailangan ng mga residente ng Barangay Naboc na maghanap ng alternatibong ruta patungo sa sentro ng bayan, na mas higit na malayo kumpara sa pagdaan sa tulay.

Noong Pebrero, bumigay din ang kalapit na Naboc Bridge dahil sa malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articleALAMIN: Fireworks display, firecracker areas sa Caloocan
Next articleOperasyon ng Upper Wawa Dam magsisimula sa 2025