Home HOME BANNER STORY Tulfo kay PBBM: Investment pledges sa foreign trips kailan mararamdaman?

Tulfo kay PBBM: Investment pledges sa foreign trips kailan mararamdaman?

259
0

MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon ni Senador Raffy Tulfo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kailan mararamdaman ng Filipino ang benepisyo ng multibillion-dollar investment pledges sa kanyang pagbiyahe sa ibang bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na dapat ipaliwanag ni Marcos sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) sa mamamayan ang kalagayan ng naturang foreign investment multibillion-dollar investment pledges.

“Although nag-commit na sila (foreign firms) – magandang pakinggan – pero kailan natin mahahawakan yun, matitikman, kailan natin makikita na nandito na yung perang iyon, na na invest na at producing many jobs?” tanong ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na isa sa accomplishment ng administrasyon sa ngayon ay pagkuha ng dayuhang investment pledges sa kanyang foreign trips.

“He’s doing an excellent job, kung icoconsider natin na meron naman siyang mga minana na mga problema from the previous administration,” ayon kay Tulfo.

“Unlike his predecessor na sinisisi yung pinagmanahan niya ng problema, ang gusto ko kay BBM hindi siya naninisi. He continues doing what he thinks is good, his best,” dagdag niya.

Nakatakdang magahtid ng kanyangn ikawalang SONA si Marcos sa Hulyo 24. Ernie Reyes

Previous articleKarpinterong ikakasal niratrat ng tandem sa Bulacan, todas
Next articleKahit may DOJ release order, 5 inarestong Tsino sa LP ‘di pa pinalalaya – abogado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here