Home OPINION TULONG NAMAN SA TURISMO PAGTAPOS NG GULO

TULONG NAMAN SA TURISMO PAGTAPOS NG GULO

MAGANDA ang pinaplano nitong si Governor Ma. Angelica Rosedell M. Amante ng Agusan del Norte, matapos niyang bisitahin ang Sitio Zapanta, Barangay Bangayan sa Munisipalidad ng Kitcharao, at nakita ang kagandahan ng Arimbungog Falls.

Sa kanyang paglalarawan sa Arimbungog Falls, tila nga raw nasa paraiso kapag ito ay iyong bibisitahin. Luntiang kapaligiran na nasa gitna ay ang falls na pagkalinaw-linaw na tubig. Maaari nga raw itong maipagmalaki bilang isang “blockbuster” na tourist destination.

Ang Sitio Zapanta ay tahanan ng mga indigenous people o katutubo mula tribo ng Mamanwa at Manobo na pinamugaran at pineste ng mga komunistang-terorista sa probinsya.

Sa pagtatagumpay ng mga tropa ng pamahalaan na mabawi ang lugar at umiral ang kapayapaan, nagbukas ang kaunlaran at economic activities ‘ika nga.

Kaya ipinangako ng gobernadora na aalagaan nila ito upang magtuloy-tuloy na ang inaasahang kaunlaran at makinabang ang lalawigan at lahat ng mga naninirahan doon kabilang na ang IPs.

Kinausap ng butihin opisyal ng lalawigan at ipinadama ang kanyang pagkamangha sa likas-yamang kagandahan ng Arimbungog Falls. Pinakiusapan din ang lahat, na makiisa sa pamahalaang lokal sa pag-iingat ng nasabing likas-yamang kagandahan sa ikauunlad ng turismo sa Zapanta.

Ang lider ng mga katutubo na si Datu Lando Anlagan ay tumalima naman agad sa hiling ni Amante at ipinangako na kanila rin itong proprotektahan na ngayon ay ‘zone for peace and development’ na.

Hindi ba’t napakaganda din na ang lahat ay nagkakaintindihan. Walang nananamantala gaya ng CPP-NPA-NDF. Mamumuhay nang tahimik ang lahat sa gitna ng malaparaisong kagandahan ng lugar.

Pagkatapos ng lahat ng panggugulo ng CPP-NPA-NDF maaari nang simulan ang tulong para sa turismo nang umusad na pati ang kaunlaran lalo na sa ekonomiya.

Previous articlePAANO LABANAN ANG STRESS?
Next articleANOMALYA SA SPECIALTY HOSPITALS