Home NATIONWIDE Tumataas na employment rate makapagpapagaan sa epekto ng inflation – NEDA

Tumataas na employment rate makapagpapagaan sa epekto ng inflation – NEDA

MANILA, Philippines- Kumbinsido ang National Economic and Development Authority (NEDA) na ang tumataas na employment rate sa bansa ay makatutulong na mapagaan ang epekto ng mataas na inflation sa purchasing power ng mga Pilipino.

Binanggit ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan na ang agarang pangangailangan ng pagtugon sa inflation, habang tinitiyak naman ng administrasyong Marcos na paigtingin ang pagsisikap nito na pangasiwaan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“The Marcos Administration is accelerating its efforts to manage price increases of basic commodities such as rice in light of the El Niño phenomenon we are experiencing and the continuing upward price pressure from the global rice market,” ayon kay Balisacan.

Subalit, sa kabila ng mataas na inflation, winika nito na ang local labor market ay nagpapakita ng positibong tanda.

Aniya, tumama ang unemployment rate sa bansa sa 3.1% noong Disyembre ng nakalipas na taon habang ang underemployment rate ay nag-improved sa 11.9% mula sa 12.6% pigura nito ng isang taon bago ito.

Wika niya, ang “better employment numbers” ay dahil sa sinasabing “significant strides” ng pamahalaan na makahikayat ng mahahalagang foreign direct investments, makalilikha ng higher-quality jobs, sa wakas ay tataas ang kita at purchasing power ng mga Pilipino.

Ang pahayag na ito ni Balisacan ay tugon sa kamakailan lamang na survey na ginawa ng OCTA Research group, nagpapakita na tatlo mula sa apat na Filipino ay ‘dissatisfied’ sa hakbang ng pamahalaan para tugunan ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Despite the recent slowdown in consumer prices, a staggering 75 percent of respondents expressed dissatisfaction with the government’s performance in managing inflation, while only six percent indicated satisfaction, and 19 percent remained undecided,” ayon sa ulat.

“We recognize the significance and urgency of addressing the issues and challenges that have been highlighted by the survey results, particularly on inflation and food security, as well as on job creation and poverty reduction,” ang pahayag ni Balisacan.

Napaulat na ang January inflation rate ay may average na 2.8%, naitala na pinakamababang pigura simula Oktubre 2020 at isang mahalagang bahagyang pagbagal mula sa 8.7 % na naitala noong Enero sa nakalipas na taon.

“While external factors and domestic policy coordination challenges resulted in higher inflation in early 2023, both supply- and demand-side interventions worked to bring this down to 2.8 percent by January 2024, the lowest since October 2020,” ayon kay Balisacan.

Sinabi pa niya na nang magsimula ang termino ni Pangulong Marcos, nagsisimula pa lang na makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa record na 9.5-% contraction sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

“The contraction set us back by about three years, with per capita gross national income (GNI) returning to its pre-pandemic level by the second half of 2023,” sinabi pa rin ni Balisacan.

“Per capita GNI refers to the average amount of money earned by each Filipino, taking into account the total income generated by the country and dividing it by the population,” paliwanag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Balisacan na ang bansa ay nakabangon at “indeed outshone our Asian peers as we posted a gross domestic product (GDP) growth rate of 5.6 percent in 2023, one of the fastest in the region.”

“The Cabinet has taken to heart the President’s directives by ensuring that the necessary policies are in place: we are facilitating massive investments in physical and human capital to create better jobs and improve our economy’s competitiveness while deploying the entire arsenal of policy tools to make food available, accessible, and affordable to the Filipino people,” pagtatapos nito. Kris Jose

Previous articleDagdag-presyo sa produktong petrolyo aarangkada sa Martes
Next articleTahanang Pinakamasaya, sisibakin na?