Home METRO Tumatakbong barangay chairman, patay sa miting de avance

Tumatakbong barangay chairman, patay sa miting de avance

PANGASINAN- Nagawa pang makapagpakilala ng isang kumakandidatong barangay chairman sa lalawigang ito sa isinagawa nilang miting de avance matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek noong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Arnel Flor Mata, 41-anyos, ng Barangay Bayaoas, Aguilar, Pangasinan.

Batay sa report ng Aguilar Police Station, katatapos lamang magsalita ng biktima sa entablado sa gitna ng ginagawang miting de avance ng kanilang grupo.

Ilang minuto ang nakalipas, nagpasyang pumunta sa kanyang sasakyan si Mata para magpalit ng damit at dito na nagkaroon ng pagkakataon ang suspek.

Nilapitan ng suspek ang biktima at nagpanggap na hihingi ng alak at pagtalikod ay saka siya binaril sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng tricycle.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen o kung may kinalaman ito sa nalalapit a BSKE. Mary Anne Sapico

Previous articleDigong kinasuhan ng solon
Next articlePagpapatupad ng mga programa, polisiya sa pagpapahusay ng AFP magpapatuloy –  PBBM